Binahang probinsiya dadalawin ni PNoy

MANILA, Philippines - Dadalawin ngayon ni Pangulong Aquino ang mga binahang lugar sa Central Luzon na lubhang naapektuhan ng bagyong Pedring at Quiel.

Ayon kay Presidential Spokesman Edwin Lacierda, kabilang sa dadalawin ng Pangulo ngayong umaga ay ang La Paz, Tarlac; Pampanga at Bulacan.

Maghahatid ng tulong ang Pangulo sa mga biktima ng pagbaha sa tatlong lalawigan.

Pupulungin din ng Pangulo ang mga local government executives upang magkatuwang na bigyang solusyon ang pagbaha upang maiwasan na ito sa susunod na dumating ang panibagong malakas na bagyo.

Show comments