Seguridad sa NAIA 2 hinigpitan

MANILA, Philippines - Hinigpitan kahapon ang seguridad sa mga bisinidad ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 2 dahil sa ginawang rally ng mga miyembro ng Philippine Airlines Emplo­yees Association (PALEA) na may ilang metro ang layo sa nasabing terminal.

Nagdatingan ang mga anti-riot police mula sa iba’t-ibang distrito sakay ng mga 6x6 truck samantala nagkabit naman ng mga CCTV camera sa bisinidad ang mga taga MMDA para imonitor ang nasabing rally.

May mga pulis na nanatili sa isang lugar sa may Nayong Pilipino samantala ang iba sa kanila ay naka-deploy sa may kanto ng NAIA Road at Sucat Road, sa Parañaque City at may mga bumbero naman ang nakamasid sa isang lugar para antabayanan ang mga pangyayari.

Samantala, may 69 commercial flights ng PAL ang kanselado kabilang ang siyam na internatio­nal at 60 domestic flights.

Show comments