^

Bansa

Utang ng PNP-Caloocan sa Maynilad babayaran ni Recom

- Angie dela Cruz, -

MANILA, Philippines - Malulutas na ang problema ng Caloocan City Police­ sa utang nito sa Maynilad Water Services, Inc. (MWSI) matapos siguruhin ni Mayor Enrico “Recom­” Echiverri na aakuin na nito ang pagbabayad sa ka­nilang mga hindi nabayarang water bills.

Ayon kay Echiverri, ang pag-aako nito sa bayarin ng lokal na pulisya ay isang tulong upang hindi na mahirapan ang kapulisan sa pagbayad sa kanilang mga utang sa bills sa tubig na hindi nababayaran.

Aniya, isang paraan din ito upang makatulong sa Philippine National Police (PNP) na mabawasan ang suliranin sa mga gastusin sa kanilang pang-araw-araw na operasyon para lamang mapanatili ang katahimikan sa bawat sulok ng bansa.

Lumalabas na mahigit sa 700 libong piso ang utang ng Caloocan City Police sa MWSI at kaya din ito umabot sa naturang halaga ay halos limang taon na ring hindi nakapagbabayad ang lokal na pulisya sa bayarin sa tubig.

ANIYA

AYON

CALOOCAN CITY POLICE

ECHIVERRI

LUMALABAS

MALULUTAS

MAYNILAD WATER SERVICES

MAYOR ENRICO

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

RECOM

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with