^

Bansa

6,000 taxi nawalis ng LTFRB

- Ni Angie dela Cruz -

MANILA, Philippines - Umabot na sa 6,000 lumang taxi ang na-phaseout ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB)  mula 2007 hanggang 2011.

Ayon kay Joel Bolano, information technology officer ng LTFRB,  ang naturang na-phaseout na taxi units ay 50 porsyento pa lamang ng kanilang target na alisin na aabutin ng 10,000 hanggang 12,000  lumang taxi.

Kapag umabot na ng 12 taon ang taxi, hindi na nila ito binibigyan ng prangkisa para mag-ope­rate. Gayunman, maaari pa itong pumasada ng dagdag na dalawang taon kung ang taxi unit ay ipina-convert sa LPG bilang insentibo ng ahensiya sa mga ito.

Umaabot sa 27,000 ang taxi unit na pumapa­sada sa Metro Manila sa kasalukuyan.

Sarado naman ang LTFRB para buksan ang franchise para sa mga taxi.

AYON

GAYUNMAN

JOEL BOLANO

KAPAG

LAND TRANSPORTATION FRANCHISING AND REGULATORY BOARD

METRO MANILA

SARADO

TAXI

UMAABOT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with