PNoy gagastos ng P20-M sa Japan visit
MANILA, Philippines - Tutulak si Pangulong Aquino sa Japan ngayong araw kung saan inaasahang aabot sa P20 milyon ang magagastos ng kaniyang delegasyon .
Sa pahayag kahapon ni Executive Secretary Paquito Ochoa Jr., mananatili ang Pangulo ng tatlong araw sa Japan at inaasahang P1 bilyong bagong investments ang maiuuwi nito sa bansa at mahigit sa 9 bilyon Yen bilang development assistance.
Aalis ang Pangulo sakay ng isang special commercial flight kung saan aabot sa 63 ang miyembro ng kaniyang delegasyon.
Kabilang sa mga makakasama ng Pangulo sina Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario, Trade and Industry Secretary Gregory Domingo, Finance Secretary Cesar Purisima, Transportation and Communications Secretary Mar Roxas at Energy Secretary Rene Almendras.
- Latest
- Trending