Kabuhayan hatid ng SMI

MANILA, Philippines - Lubos ang pasasalamat ng kaisa-isang babaeng B’laan tribal chieftain sa mga pang-ayudang pangkabuhayan ng kinontrata ng gobyerno sa Tampakan Copper-Gold Project na Sagittarius Mining Inc. (SMI) para sa kanilang kinabukasan.

Ayon kay Dalena Samling, tribal chieftain ng Barangay Danleg sa bayan ng Tampakan, South Cotabato, ma­gandang kapalaran ang tatamasahin ng kanyang tribung pinamumunuan sa sandaling operasyonal na ang kompanya sa pagmimina sa lupaing pag-aari ng kanyang mga ninuno.

Ipinaliwanag din ni Samling na nabawasan ang kriminalidad sa kanilang barangay dulot ng pag-ayuda ng kompanya sa kanilang tribu.

Kaya labis ang kanyang pagtataka sa mga pahayag ng mga grupong kumokontra sa pagmimina ng copper at gold sa kanilang ancestral domain.

Sinamantala rin ni Samling ang pagkakataon upang pasalamatan si Pangulong Aquino na sumusuporta para sa pagsisimula ng operasyon ng SMI sa 2016.

Show comments