Bagyong Pedring papasok sa bansa

MANILA, Philippines - Inaasahang puma­ sok ngayong araw na ito sa bansa ang isang Low Pressure Area (LPA) na posibleng maging ganap na bagyo.

Ayon sa Philippine At­mospheric Geophy­sical and Astronomical Ser­vices Administration (PAGASA) kapag pumasok na ito sa bansa bilang isang bagyo ay papangalanang Pedring.

Sinabi ni Aldczar Aureli, forecaster ng PAGASA si Pedring ay ina­asahang makaka­apekto sa bansa sa susunod na linggo na unang tutumbukin ang bahagi ng Cagayan.

Kaugnay nito, makakaranas naman anya ng pag-uulan ang ilang bahagi ng Luzon dahil sa habagat.

Ang nalalabing bahagi ng bansa ay maaliwalas at banayad ang pag-alon sa karagatan.

Show comments