Pia at Miriam handang mag-Tagalog para kay Lapid

MANILA, Philippines - Nakahanda sina Senators Miriam Defensor-Santiago at Pia Cayetano na mag-Tagalog upang makasali sa debate ng Reproductive Health Bill si Sen. Lito Lapid.

Ayon kay Cayetano, chairperson ng Senate Committee on Health and Demography walang problema sa kaniya na gumamit ng Tagalog sa plenaryo upang mas mainitindihan ni Lapid na may mga isyung nais linawin sa panukala.

Matatandaan na sinabi kamakalawa ni Lapid na nais sana niyang sumali sa debate ng RH bill pero natatakot siyang mag-English.

Isa sa nais linawin ni Lapid ay kung may kinalaman ang kapansanan ng mga sanggol sa contraceptives na ginagamit ng kanilang ina.

Show comments