^

Bansa

AFP nagdeklara ng 24 oras tigil-putukan vs NPA

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng buong mundo sa International Peace Day, nagdeklara kahapon ng 24 oras na Suspension of Military Operations (SOMO) ang Armed Forces of the Philippines sa grupo ng mga rebeldeng New People’s Army sa bansa.

Ayon kay AFP-Public Affairs Office Chief Col. Arnulfo Marcelo Burgos Jr., epektibong oobserbahan ang 24 oras na tigil putukan umpisa alas-12 ng hatinggabi (Setyembre 20) hanggang hatinggabi ngayong araw (Setyembre 21).

Nabatid na nag-isyu na si AFP Chief of Staff Gen. Eduardo Oban ng panuntunan sa lahat ng Unified at Major Service Commanders ng AFP para sa implementasyon ng ceasefire sa hanay ng mga rebeldeng komunista.

Sa kabila nito, ayon kay Burgos ay nakaalerto ang tropa ng militar na nasa ‘defense mode’ sakaling magsamantala at magsagawa ng pag-atake ang rebeldeng NPA.

Habang umiiral ang SOMO ay mabibigyan din umano ng pagkakataon ang magkabilang panig na ibaba muna ang kanilang mga armas at mag-ukol ng atensyon para sa ikasusulong ng kapayapaan.

Maari ring bumaba muna sa kabundukan ang mga miyembro at opisyal ng mga rebelde at bisitahin sa kapatagan ang kanilang mga pamilya. 

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

ARNULFO MARCELO BURGOS JR.

CHIEF OF STAFF GEN

EDUARDO OBAN

INTERNATIONAL PEACE DAY

MAJOR SERVICE COMMANDERS

NEW PEOPLE

PUBLIC AFFAIRS OFFICE CHIEF COL

SETYEMBRE

SUSPENSION OF MILITARY OPERATIONS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->