^

Bansa

2 testigo sa 2007 poll fraud idiniin si Abalos

- Ni Ludy Ber­mudo -

MANILA, Philippines - Lumantad kahapon sa Department of Justice (DOJ) ang 2 testigo kung saan ay idiniin si dating Comelec chairman Benjamin Abalos na may kinalaman sa 2007 election fraud.

Iniharap sa media ni Justice Sec Leila de Lima sina Atty. Lilian Ra­dam, Acting Provincial Election Supervisor at Chair ng Board of Canvassers sa South Cotabato noong 2007 at Atty. Yogi Martirizar,

Acting Election Supervisor at Chair ng Board of Canvassers sa North Cotabato noong 2007.

Nabatid na ang dalawang opisyal ay kapwa kinasuhan ni Sen. Koko

Pimentel ng electoral sa­botage bagamat si Ra­dam lamang ang nasampahan sa korte ng kaso. Sa kanilang affidavit, direkta nilang iniugnay sa daya­an noong 2007 polls si dating Come­lec chairman Abalos.

Anila, makausap nila mismo ng personal si Aba­los noong Abril ng taong 2007 sa Davao City na siya umanong nagbigay ng direktiba para tiyakin ang 12-0 na panalo ng mga pambato sa pagka-senador ng team unity sa kani-kanilang mga lalawigan.

Gumamit umano sila ng sobrang kopya ng mga authentic forms ng Certificate of Canvass na may supporting statement of votes para gamitin sa pagmamanipula ng resulta ng eleksyon.

Kasunod nito, agad namang nagpasiya ang DOJ na isailalim na kahapon sa provisional co­ve­rage ng Witness Protection Program (WPP) ang dalawang dating election supervisors.

ACTING ELECTION SUPERVISOR

ACTING PROVINCIAL ELECTION SUPERVISOR

BENJAMIN ABALOS

BOARD OF CANVASSERS

DAVAO CITY

DEPARTMENT OF JU

JUSTICE SEC LEILA

LILIAN R

NORTH COTABATO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with