20 JI bombers gagamit ng LPG
MANILA, Philippines - Tinutugis na ng militar ang 20 bomber na sinanay umano ng Jemaah Islamiyah (JI) terrorist para magsagawa ng pambobomba sa Central Mindanao gamit ang Liquiefied Petroleum Gas (LPG) tank.
Sinabi ni Directorate for Integrated Police Operation Western Mindanao Chief P/Director Felicisimo Khu, nakatanggap sila ng intelligence report na ipinakalat na ni JI terrorist leader Basit Usman ang naturang mga bomber kung saan target umano ang Cotabato City at iba pang mga pangunahing lungsod sa rehiyon.
Nabatid na gagamit umano ng LPG ang mga bomber dahil karamihan sa mortar ng mga lokal na terorista ay nasamsam na sa operasyon ng tropa ng pamahalaan.
“It was always emphasized that these are intelligence reports and we keep on validating them,” anang opisyal.
Si Usman, may patong sa ulong $-1M, ang itinuturong nasa likod ng pagpapasabog sa Cotabato City nitong mga nakalipas na araw kung saan isa sa mga pinaniniwalaang tinarget ay si DILG Sec. Jesse Robredo.
Sinabi ni Khu na inalerto na nila ang mga pulis at sundalong nagbabantay sa checkpoint habang patuloy rin ang full alert status upang hindi malusutan ng grupo ni Usman.
- Latest
- Trending