^

Bansa

Korapsiyon sa PSC, durog na

- Butch M. Quejada -

MANILA, Philippines - Siniguro ni Philippine Sports Commission (PSC) chairman Ricardo Garcia na nadurog na niya ang korapsyon sa PSC dahil sa ipinapatupad niyang transparency.

Wika pa ni Chairman Garcia, dahil sa kanyang transparency ay nakati­pid ang PSC at tuluyang nasugpo ang korapsyon matapos hindi na niya pa­yagang umiral ang mid­dleman sa pagbili ng mga kagamitan ng ahensiya mula sa mga suppliers.

Sa pagdiriwang sa ika-100 taon ng PSC, sinabi ni Garcia na mas natututukan ngayon ang lahat ng aspeto ng pa­nga­ngailangan ng mga atleta at mga gastusin dahil palagian silang may report card na naipakikita sa taumbayan para sa pagpapatupad ng mga programa at mga pagba­bago sa ahensiya.

“Kami po sampu ng aking mga tauhan ay nagtutulong-tulong para sa pagpapabuti ng kala­gayan ng sports sa bansa at sa kapakanan ng mga atleta natin, mayroon po tayong report card na pa­lagiang pinalalabas upang makita ng tao ang aming ginagawang mga reporma at pagbabago sa PSC at dito namin na­lalaman kung pasado kami o hindi at ang mga bagay na dapat mabago ay agad na nagagawa namin,” pahayag ni Garcia.

Sinabi din ni Garcia na sa ilalim ng 1 taong panunungkulan nito sa PSC, umaabot sa P80 milyon halaga ng pondo ang kanilang natipid  sa security, janitorial services at pagbili ng equipments.

Kaugnay nito, hinikayat din ni Garcia ang pri­vate sector na maki­pagtulungan sa ahensiya dahil bukas anya ang PSC para makipag kapit bisig sa pribadong sector para sa higit pang pag develop ng sports at pag adopt ng mga atleta.

Kung mag-aampon ang private sector ng mga atleta sa pagbibigay ng allowance ang pondo ng ahensiya ay di­rektahan na lamang magagamit sa  pagpapa­unlad ng mga grass root programs tulad ng sports sa mga barangay, paaralan at development ng sports sa ibang rehiyon.

Napapagkasya naman anya ng PSC ang pondo nitong P178 Mil­yon nga­yong 2011 bagamat ang nais sana ay may ha­ la­gang P700 milyon para higit na mapasigla ang lara­ngan ng sports sa bansa.

vuukle comment

CHAIRMAN GARCIA

GARCIA

KAUGNAY

NAPAPAGKASYA

PHILIPPINE SPORTS COMMISSION

PSC

RICARDO GARCIA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with