Legal advisers ni PNoy pinasisibak lahat
MANILA, Philippines - Ipinasisibak ng oposisyon sa Kamara ang lahat ng legal advisers ni Pangulong Noynoy Aquino.
Ito’ y matapos na pumalpak umano ang Malakanyang sa isinusulong na pagpapaliban ng eleksyon sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) kung saan bibigyan din ng kapangyarihan ang Pangulo na pumili ng mga officers in charge (OIC).
Kabilang sa mga nais ipasibak ng minorya sina Presidential Legal adviser Eduardo de Mesa at Solicitor General Jose Anselmo Cadiz.
Ayon kay House Minority Leader Edcel Lagman, dapat maglagay ang Pangulo ng mga adviser na may mahusay na legal minds para maidepensa ang mga hakbang ng gobyerno.
Ikinumpara naman ni deputy minority leader Danilo Suarez sa isang baseball game ang mga nabanggit na legal advicers na umano’y nakaka-’strike 2’ na sa kapalpakan at kung maka-strike 3 ay tiyak ng sibak ang mga ito sa pwesto.
Masyado na umanong nakakahiya na dalawang beses o strike two nang nasupalpal at ipinabasura ng Korte Suprema ang mga desisyon na Malakanyang kabilang na dito ang Executive Order na nagtatatag ng Truth Commission at ang legalidad ng pagpapaliban ng eleksyon sa ARMM.
- Latest
- Trending