Takeover order ng Meisic Mall pineke

MANILA, Philippines - Muntik nang maging mitsa ng barilan ng dalawang grupo ng mga security guards ang tangkang pag-takeover sa isang mall sa Divisoria, Maynila gamit ang isang umano’y pekeng court order.

Sa kanyang sulat kay Chief Justice Renato Corona, sinabi ni Joselito T. Go, negosyante at presidente ng Majestic Plus Holding International, na isa umanong Quririno Olit, Jr. ang nagpanggap na process server ng Court of Appeals at gumamit ng letterhead ng CA para umano linlangin ang mga opisyal at miyembro ng PNP Civil Security Group patungkol sa tunay na nilalaman ng Sept. 6 CA resolution sa ownership dispute ng Meisic Mall sa pagitan ng Majestic at ng Bullion Investment and Development Corp.

Dahil sa naturang letter-request, napaniwala umano ni Olit ang mga pulis na iniutos ng CA ang pag-takeover ng 1957 Security Agency ng Bullion sa Meisic Mall mula sa mga miyembro ng Eslabon Security Group.

Nabatid na noong Sept. 7 ay nagtungo ang ilang ele­mento ng PNP Civil Security Group sa pangu­nguna ni SSupt. June Ja­molo sa Meisic Mall at tangkain umanong agawin ng 1957 guards ang kontrol ng mall mula sa Eslabon.

Subalit ang tanging nakasaad sa CA resolution ay ang pagpapaliban sa implementasyon ng utos ng Branch 66 ng Manila Regional Trial Court na may petsang July 28, 2011 na umapirma sa pagmamay-ari ng Majestic sa Meisic Mall sa bisa ng memorandum of agreement nito sa Bullion, na bibilhin ang 80% share ng huli sa mall.

Sinabi ni Go sa kanyang reklamo na “Olit made his letter-request in an alleged letterhead of the CA thereby giving the impression that such letter-request has the imprimatur of the CA.

“Unfortunately, he went beyond his assigned task. Worse, he even went to the extent of seeking assistance from the PNP Civil Security Group which was not provided for in the said CA resolution.

“As a result, it has caused confusion within the subject premises and an almost showdown between armed security personnel of the two agencies,” dagdag ni Go.

Nagsampa na ng rek­lamo si Go kay Court Administrator Jose Midas Marquez upang hilingin ang pagdismis kay Olit.

“That man could face a long jail term because no one, not even a court sheriff, would dare change a court order,” pahayag naman ng isang abogado na tumangging magpabanggit ng pangalan bilang reaksiyon.

Show comments