^

Bansa

Coast Guard alerto sa 9/11 attack anniv.

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Kinumpirma kahapon ng Philippine Coast Guard (PCG) ang mahigpit nilang pagbabantay sa lahat ng pantalan sa bansa bilang pag-iingat sa posibleng terrorist­ attack kaugnay sa nalalapit na anibersaryo ng 9/11 sa Estados Unidos.

Ayon pa kay PCG Commandant Admiral Ramon Liwag­, nagdeploy na ang ahensiya ng may 500 mi­yembro ng PCG at K9 teams sa mga pangunahing pantalan kabilang ang Port of Manila, Cebu at Mindanao.

Inaasahan na rin aniya ang mas matindi pang paghihigpit sa inspeksiyon ng mga pasahero at bagahe.

Samantala, nanawagan na rin si Liwag sa publiko na makipagtulungan sa ipinatutupad na seguridad sa terminal at ireport sa Coast Guard hotlines sa 527-3877, 527-8481, 328-1098 at hot text 0917-PCGDOTC sa anumang kaduda-dudang bagay na ina­aban­dona o naiiwan sa alinmang lugar sa loob ng pantalan.

AYON

CEBU

COAST GUARD

COMMANDANT ADMIRAL RAMON LIWAG

ESTADOS UNIDOS

INAASAHAN

KINUMPIRMA

LIWAG

MINDANAO

PHILIPPINE COAST GUARD

PORT OF MANILA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with