Ex-PGMA nakalabas na ng ospital

MANILA, Philippines - Inihayag kahapon ng main attending physician ni dating Pangulo at ngayo’y Pampanga Congresswoman Gloria Arroyo na si Dr. Juliet Cervantes na nakalabas na sa SLMC_Global City kamakalawa ng gabi ang mambabatas.

Sinabi ni Cervantes sa isang radio report na guma­ling na si Mrs. Arroyo mula sa huli nitong cervical spine surgery noong Agosto 25.

Nabatid pa rin sa duktora na may suot pa ring halo vest si Gng. Arroyo na ikinabit sa kanyang mga buto para suportahan ang kanyang ulo.

Tatlong beses inoperahan si Arroyo mula nang isugod siya sa SLMC dahil sa pinched nerve sa kanyang cervical spine.

Ayon kay Cervantes, kasama ni Arroyo ang asawa nitong si Mike Arroyo nang umalis ang mga ito sa ospital bandang alas-9:30 ng gabi.

Mabuti na anya ang kalagayan ni Arroyo, nakakapagsalita na at nakakalakad na ito. 

Pinayuhan din si Arroyo na huwag tumanggap ng bisita kapag nasa bahay habang nagpapagaling. 

Show comments