2011 Palanca Awardees inihayag
MANILA, Philippines - Pinangaralan ng Carlos Palanca Foundation sa taunang awarding rites sa The Peninsula Manila sa Makati City ang mga nanalo sa taong ito sa 61st Carlos Palanca Memorial Awards for Literature.
Panauhing tagapagsalita ang Old Man of Philippine Literature na si Francisco Sionil Jose na siya ring Dangal ng Lahi honoree sa Awards Night.
Nanalo naman sa Grand Prize Division ang mga nobela nina Allan Alberto N. Derain (Ang Banal na Aklat ng mga Kumag) sa Filipino Division; at Maria Victoria Soliven Blanco (In the Service of Secrets) sa English Division.
Sa Filipino Division pa rin, nanalo ang sumusunod: Dulang Pampelikula - 1st, Lemuel E. Garcellano (Tru Lab), 2nd, T-Jay K. Medina (Huling Isang Taon); at 3rd, Helen V. Lasquite (Emmanuel).
Dulang Ganap ang Haba - 1st, Rodolfo Vera (Paalam Senior Soledad), 2nd, Liza Magtoto (Tamala); at 3rd , Joshua Lim (Panahon ng Sampung Libong Ilong).
Dulang May Isang Yugto- 1st, Remi Karen Velasco (Ondoy, Ang Buhay sa Bubong); 2nd, Layeta Bucoy (El Galeon De Simeon); 3rd, Bernardo Aguay Jr. (Posporo).
Kabataang Sanaysay- 1st, Mary Amie Gelina Dumatol (Ang Makulit, ang Mapagtanong, at ang Mundo ng Kasagutan); 2nd, Abegail Joy Lee (Nang Maging Mendiola ko ang Internet dahil kay Mama); at 3rd, Ma. Bettina Clare Camacho (Isang Pindot sa Kamalayan).
Tula- 1st, Enrique Villasis (Agua); 2nd, Rosmon Tuazon (Mga Nakaw na Linya), at 3rd, Christopher Nuyles (Ilang Tala Hinggil sa Daangbakal at iba pang tula).
Tulang Pambata- 1st, Marcel Milliam (Ako ang Bida); 2nd, Eugene Evasco (Isang Mabalahibong Bugtong); at 3rd, John Enrico Torralba (Manghuhuli Ako ng Sinag ng Araw).
Maikling Kuwento- 1st, no winner; 2nd, No Winner; at 3rd, Michael S. Bernaldez (Metro Guwapo).
Maikling Kuwentong Pambata- 1st, Segundo Matias (Alamat ng Duhat); 2nd, Joachim Emilio Antonio (Sa Tapat ng Tindahan ni Mang Teban); at 3rd, Christian Tordecillas (Si Inda, Ang Manok at ang mga Lamang-Lupa).
Sanaysay – 1st, Bernadette Neri (Ang Pag-uwi ng Alibughang Anak ng Lupa); 2nd, Rosario Torres-Yu (Nagbibihis na ang Nanay); at 3rd, Nancy Kimuell-Gabriel (Kubeta).
Sa English Division, nanalo ang sumusunod: Full-Length Play- 1st, Joshua Lim So (A Return Home); 2nd, Peter Solis Neri (If the Shoe Fits); at 3rd, Jonathan Guillermo (Freshmen).
- Latest
- Trending