MANILA, Philippines - Nakahanda ng magretiro si outgoing PNP Chief Director General Raul Bacalzo matapos ang mahigit 38 taong serbisyo publiko.
Sa darating na Setyembre 9 ay isasalin na niya ang kapangyarihan sa susunod na PNP Chief na mapipisil ni Pangulong Aquino.
Sa Setyembre 15 pa ang ika-56 kaarawan ni Bacalzo, ang compulsory age retirement sa PNP pero isasagawa ang turnover ceremony sa Camp Crame ng mas maaga.
Una nang naging maugong ang pangalan ni Chief ng PNP Directorial Staff P/Deputy Director General Nicanor Bartolome bilang successor ni Bacalzo pero wala pang pormal na inaanunsyo ang Malacañang.
Si Bacalzo, tubong Batangas at isa ring abogado ay produkto ng Philippine Military Academy (PMA) Class 1977.
Inihayag pa nito na matapos magretiro ay siguradong mami-miss niya ang pagsusuot ng uniporme, pagdya-jogging, paggising ng maaga at pagpasok sa opisina.