^

Bansa

2-libo 'multo' sa PNP

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Umaabot sa P1 bil­yon ang nawawala sa kaban ng gobyerno sa pagba­bayad ng pension at iba pang benepisyo sa may 2,000 ‘ghost pen­sioner’ sa Philippine National Police (PNP) umpisa pa noong 2006.

Sa press briefing sa Camp Crame, sinabi ni In­terior and Local Go­vernment Secretary Jesse Robredo na nadiskubre ang may 2,000 mga pe­keng pensioner na nasa talaan ng PNP Retirement and Benefits Administration Service (PRBS) kung saan ay gumugugol ang gobyerno ng P250 milyon kada buwan sa pagbabayad sa mga ito simula pa noong 2006.

Ipinahiwatig rin ng Ka­lihim na posibleng ma­dagdagan pa ang  bilang ng mga matatanggal sa listahan ng mga pen­sioner habang patuloy ang clean-up drive sa database ng nasabing tanggapan.

Aabot naman sa 578,000 retired PNP personnel ang nasa rekord ng PRBS ang masusi nilang binubusisi ang mga rekord upang hindi masayang ang pondo ng gobyerno.

Sinabi ng kalihim na isang malaking sindikato umano ang nasa likod ng nasabing scam kung saan patuloy ang isinasagawang imbestigasyon upang maaresto ang mga ito at maparusahan sa ilalim ng batas.

Tinukoy rin ni Robredo na isang Marlon Reyes, umano’y dating pulis, ang sabit sa anomalya pero ayon sa opisyal ay may mga kasabwat ito na kanilang tatalupan.

Magugunita na nito lamang nakalipas na buwan ay aabot sa mahigit 30 mga biyudang impostor ang inaresto ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group habang nagki-claim ng pensiyon ng mga nasawing pulis gayong hindi ang mga ito ang lehitimong pensioner. 

Ayon kay Robredo, pansamantalang ipinatigil ang distribusyon sa retirement benefits upang linisin muna ang listahan ng PRBS database.

CAMP CRAME

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

LOCAL GO

MARLON REYES

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

RETIREMENT AND BENEFITS ADMINISTRATION SERVICE

ROBREDO

SECRETARY JESSE ROBREDO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with