MANILA, Philippines - Isinailalim na ng PAGASA sa signal number 4 ang Northern Cagayan habang signal number 3 naman sa Isabela, nalalabing bahagi ng Cagayan, Calayan, Babuyan at Batanes Group of Islands dahil sa bagyong Mina.
Signal no. 2 ang Northern Aurora, Quirino, Ifugao, Mt. Province, Kalinga at Apayao, habang signal no. 1 ang nalalabign bahagi ng Aurora, Nueva Vizcaya, Benguet, Ilocos Sur, Ilocos Norte at Abra.
Sinabi ni PAGASA weather forecaster Robert Sawi, dahil sa bagyong Mina ang Metro Manila ang makakaranas ng malakas na pag-uulan ngayong araw ng Sabado.
Kahapon ng alas-5 ng hapon, si Mina ay namataan sa layong 150 kilometro hilagang silangan ng Casiguran, Aurora taglay ang lakas ng hanging 195 kilometro bawat oras malapit sa gitna at may pagbugso hanggang 230 kilometro bawat oras.