^

Bansa

Signal no. 4 sa northern Cagayan

- Ni Angie dela Cruz -

MANILA, Philippines - Isinailalim na ng PAGASA sa signal number 4 ang Northern Cagayan habang signal number 3 naman sa Isabela, nalalabing bahagi ng Cagayan, Calayan, Babuyan at Batanes Group of Islands dahil sa bagyong Mina.

Signal no. 2 ang Northern Aurora, Quirino, Ifugao, Mt. Province, Kalinga at Apayao, habang signal no. 1 ang nalalabign bahagi ng Aurora, Nueva Vizcaya, Benguet, Ilocos Sur, Ilocos Norte at Abra.

Sinabi ni PAGASA weather forecaster Robert Sawi, dahil sa bagyong Mina ang Metro Manila ang makakaranas ng malakas na pag-uulan ngayong araw ng Sabado.

Kahapon ng alas-5 ng hapon, si Mina ay namataan sa layong 150 kilometro hilagang silangan ng Casiguran, Aurora taglay ang lakas ng hanging 195 kilometro bawat oras malapit sa gitna at may pagbugso hanggang 230 kilometro bawat oras.

ABRA

BATANES GROUP OF ISLANDS

ILOCOS NORTE

ILOCOS SUR

METRO MANILA

MT. PROVINCE

NORTHERN AURORA

NORTHERN CAGAYAN

NUEVA VIZCAYA

ROBERT SAWI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with