MANILA, Philippines - Ang pagpapaubaya ng Malacañang ng desisyon sa pamunuan ng Philippine Airlines ay indikasyon lamang ng pagiging anti-labor nito.
Ayon kay Solidarity Philippines Convenor Rev. Fr. Joe Dizon, ang pagtanggal sa 2,600 regular na empleyado nito ay napaka-anti labor dahil sa halip na i-promote at payabungin ang security of tenure ay lumalabas na pinapaboran nito ang contractualization sa bansa.
Giit ng pari, hindi totoong boss ni P-Noy ang taong bayan dahil nakikita sa mga ganitong patakaran at desisyon na pinapaboran niya ang mga kapitalista, dayuhan at mayayaman. Napakasama anyang desisyon ang ginawa ng Palasyo dahil hindi nito pinapaboran ang interes ng mga manggagawa.
Una ng pinaboran ng Office of the President ang PAL management sa pag-outsource sa mga empleyado nito sa pamamagitan ng pagtatanggal sa kanila para gawin na lamang contractual. Aniya, ang kailangan ng mga ito ay security of tenure.