Obispo kay PNoy: Lumikha ng maraming trabaho
MANILA, Philippines - Pinayuhan ni Tagbilaran Bishop Leonardo Medroso, chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Cannon Law si Pangulong Aquino na lumikha ng maraming trabaho sa Pilipinas upang hindi malagay sa alanganin ang mga OFW sa ibayong dagat.
Ayon kay Medroso, hindi masisisi ang mga OFWs sa Libya kung manatili man sila sa gitna ng political crisis doon.
Sinabi ni Medroso, walang trabahong naghihintay sa kanila sa Pilipinas kaya’t kahit na nasa peligro ang kanilang buhay ay pilit silang nakikipagsapalaran kesa sa mamatay sa gutom ang kanilang pamilya sa bansa.
Nilinaw ng Obispo na trabaho at maraming trabaho ang mabisang solusyon para wala ng OFW ang maghirap at magdusa sa ibang bansa.
“Walang binabalikan dito, walang trabaho dito, many of our OFW’s is still hoping for the better, hope for tomorrow kahit mahirap ngayon sa Libya at Syria because to come back for them here in the Philippines there is no hope para sa kanila,” ani Medroso.
- Latest
- Trending