Budget sa edukasyon tinapyasan
MANILA, Philippines - Nagprotesta kahapon ang mga militanteng kongresista at ibat-ibang sektor matapos tapyasan ang budget para sa social services kabilang na ang edukasyon.
Nagrereklamo ang grupo nina Kabataan Partylist Rep. Raymond Palatino dahil sa napakalaking pondo na inilaan para sa conditional cash transfer program samantalang kakarampot ang pondo para sa edukasyon.
Partikular na tinukoy ng kongresista ang pagtapyas ng P250.9 million sa maintenance and other operating expenses ng apatnaput limang State Colleges and Universities at pagtapyas ng P403 million para sa personal services habang walang inilaang budget para sa capital outlay ng lahat ng SCUs.
Hindi umano dapat mag-focus ang gobyerno sa pamimigay ng limos sa ilalim ng CCT program sa halip ay bigyan ng pagkakataon ang mga mahihirap na estudyante na makapag-aral.
Samantala, habang nagaganap ang budget deliverations ng sucs, sumugod ang tinatayang isandaang estudyante sa Batasan complex.
Tinangka ng mga ito na pumasok sa Andaya hall kung saan ginagawa ang budget hearing subalit naharang sila ng mga security ng Kamara.
Napilitan naman ang mga tauhan ng Bureau of Fire na bombahin ng tubig ang mga raliyista.
- Latest
- Trending