LTFRB chairman nag-resign

MANILA, Philippines - Pormal nang nagbitiw sa kanyang puwesto bilang Chairman ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board si Nelson Laluces.

Ayon kay Atty. Manuel Iway, board member ng LTFRB, ang hakbang ay ginawa ni Laluces upang bigyang daan si DOTC Secretary Mar Roxas na makapamili ng kanyang mga tauhang makakatrabaho sa gobyerno.

Sinabi ni Iway na na patuloy niyang gagampa­nan ang posisyon sa LTFRB hanggat wala pang napipisil si Roxas na ipapalit sa kanya sa posisyon.

Anya, noong nakaraang linggo pa naghain ng verbal courtesy resignation si Laluces kay Roxas at ti­nanggap naman ito ng kalihim.

Bukod kay Laluces, naghain din ng formal resignation letter si LTFRB Executive Director Dante Atienza pero hindi ito tinanggap ni Roxas.

Matunog naman ang pangalan ni dating Camarines Sur congressman Jaime Jabob at dating PNP Chief Roberto Lastimoso bilang kapalit ni Laluces.

Matatandaang sina Laluces, Atienza at Iway ay kilalang kadikit ni Exe­cutive Secretary Paquito Ochoa na kaaway naman sa pulitika ni Roxas.

Show comments