^

Bansa

No to utak 'Wang-wang' - Mayor Nandang

- Ni Rudy Andal -

MANILA, Philippines - Tutol si Labangan, Zamboanga del Sur Mayor Al Hadji Wilson Nandang sa mga opisyal na patuloy sa pagkakaroon ng utak wang-wang na mariing tinutuligsa ni Pangulong Benigno Aquino III sa kanyang ikalawang SONA.

Sa isang media forum sa Maynila, sinabi ni Mayor Nandang na patuloy niyang isusulong ang layuning tuwid na daan ng Pangulong Noynoy Aquino na binabaluktot ng ilang  “Utak wang-wang” sa kanilang  probinsiya matapos siyang patawan ng 2-buwan na preventive suspension ni Gov. Antonio Cerilles na sinasabing malapit na kaalyado ng dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

Sinabi ni Mayor Nandang, nag-ugat ang pagsuspinde sa kanya matapos niyang sibakin sa tungkulin ang kanilang Municipal Engineer na may “tiwaling” gawain na kaalyado ng gobernador.

Umapila ang Alkalde sa Malakanyang at sa pamamagitan ng ipinalabas na desisyon ni Executive Secretary Paquito Ochoa Jr., na may petsang Agosto 11, 2011 ay nakitang walang batayan at hindi makatwiran ang naging kautusan ng gobernador kaya pinawalang saysay o ni-lift ang suspension order pero ayaw naman kilalanin ni Gov. Cerilles.

Malugod na nagpapasalamat ang Alkalde sa Pangulong Aquino sa pag-lift sa kanyang suspension kaya makakaupo na ito sa puwesto matapos na ipatupad ng Department of Interior  and Local Government (DILG) ang kautusan ng tanggapan ng chief executive.

ALKALDE

ANTONIO CERILLES

DEPARTMENT OF INTERIOR

EXECUTIVE SECRETARY PAQUITO OCHOA JR.

LOCAL GOVERNMENT

MAYOR NANDANG

MUNICIPAL ENGINEER

PANGULONG AQUINO

PANGULONG BENIGNO AQUINO

PANGULONG GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with