MANILA, Philippines - Nanawagan ang Palasyo sa taumbayan na magboluntaryong mag-donate ng dugo matapos tumaas ang bilang ng mga biktima ng dengue sa Luzon.
Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, tumaas na ng 55% ang bilang ng mga biktima ng dengue sa Luzon pero bumaba naman ng 77% sa Visayas at 76 % naman sa Mindanao.
Sa kabuuan ay bumaba pa ng 33.5 % ang naging biktima ng dengue sa buong bansa kumpara sa nakaraang taon.
Ani Valte, sa kabuuang bilang ng dengue cases sa buong bansa ay 76% ang mula sa Luzon habang nasa 11 percent sa Visayas at 12 % sa Mindanao.
Sa Gitnang Luzon ay mayroong 284 dengue cases sa nakalipas na 8 buwan kumpara sa nakaraang taon. Ang mga lalawigang apektado nito ay ang Bulakan (2,259), Nueva Ecija (1,666), Pampanga (1,390), Tarlac (736), Bataan (525), Zambales (350) at Aurora (43).