Tauhan ng DOJ nagpasaklolo kay Mar
MANILA, Philippines - Isang liason officer ng Department of Justice (DOJ) ang humingi ng tulong kay DOTC Secretary Mar Roxas kaugnay ng pagkakagoyo sa kanya ng isang emission test center na patuloy na nag-ooperate sa kabila na ito ay blacklisted na sa Land Transportation Office para mag-isyu ng smoke emission test result sa mga car owners na magpaparehistro sa LTO.
Sa kanyang reklamo sa LTO tri-media, sinabi ni Susie Rocha ng DOJ na hindi siya nakapagparehistro ng kanyang sasakyan dahil ang smoke test result niya ay mula sa blacklisted na private emission test center na Manila Midwast Wind, Shiela Crak emission testing center na nasa Kalayaan Ave, QC.
Kinuwestyon ni Rocha na sa kabila ng press release ng LTO na abala ito sa pagdidisiplina sa mga PETC ay maraming bilang ng mga private emission test center na blacklisted ang nag-ooperate pa rin hanggang sa ngayon.
Inirereklamo din ng ilang legitimate PETCs na isang Philip Mendez umano na tauhan ni LTO Chief Virgie Torres na nakatalaga sa LTO PETC Monitoring ang nagbibigay ng “go signal” umano sa mga blacklisted Petcs na makapag-operate.
Binigyang diin ng mga legitimate Petcs na hangga’t baluktot ang pamamalakad ng LTO bunga ng mga tiwaling tauhan nito ay hindi makakamit ang tagumpay ng Clean Air ng pamahalaan at patuloy na dadami ang bilang ng mga tiwaling Petcs na nagsasagawa ng non-appearance operation at tuloy ang operasyon ng mga blacklisted Petcs.
- Latest
- Trending