^

Bansa

Mahigit 100 abogado kukunin ng Ombudsman

- Ni Angie dela Cruz -

MANILA, Philippines - Upang matiyak na mapapabilis ang paghawak ng mga kaso sa tanggapan ng Ombudsman, ipinag-utos ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales ang pagdaragdag ng mahigit 100 mga abogado.

Ayon kay Morales, ang naturang hakbang ang unang ipatutupad upang mapabilis ang pagresolba sa mga kasong naisasampa sa tanggapan.

Anya, ang mga abogadong ito ay itatalaga bilang mga Graft Investigation and Prosecution Officers at Assistant Special Prosecutors ng tanggapan ng Ombudsman.

Ang mga abogadong interesado ay dapat may integridad, may halos 3 taon sa trabaho bilang abogado at alamin ang mga update hinggil dito sa OMB website www.ombudsman.gov.ph

Sa kasalukuyan ay nagpapatupad si Morales ng malawakang assessment at pag-aaral sa kasalukuyang sistema at programa sa tanggapan ng Ombudsman sa pamamagitan ng serye ng konsultasyon at strategic planning para sa transition phase dito

Niliwanag din ni Morales na oras na maisapinal na ang serye ng konsultasyon at strategic planning sa ahensiya ay handa na niyang harapin ang media interview. Si Morales ay hindi pa rin nagpapa-interview sa media hanggang sa ngayon.

ANYA

ASSISTANT SPECIAL PROSECUTORS

AYON

GRAFT INVESTIGATION AND PROSECUTION OFFICERS

MORALES

NILIWANAG

OMBUDSMAN CONCHITA CARPIO-MORALES

SI MORALES

UPANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with