CCP officials pinagbibitiw
MANILA, Philippines - Pinagbibitiw ni Manila 5th district Rep. Amado Bagatsing ang mga opisyal ng Cultural Center of the Philippines (CCP) dahil sa pagpayag umano ng mga ito na makalusot ang kontrobersyal na art exhibit na “kulo”.
Sinabi ni Bagatsing na dapat na magbitiw sa puwesto si CCP chairman Raul Sunico at iba pang opisyal nito matapos na babuyin ng isang art exhibit si Kristo at ang relihiyon ng mga Katoliko.
Bukod dito, nais din ni Bagatsing na magkaroon ng imbestigasyon tungkol sa nasabing kontrobersya na inalmahan ng iba’t ibang sektor, kabilang na ang simbahang katolika.
Partikular namang ikina-init ng ulo ni Bagatsing ang isang imahe n Jesus Christ kung saan dinikitan ang mukha nito ng kahoy na ari ng lalaki, at pigurin ni kristo na may tenga ng kuneho.
Inilahad naman ni Bagatsing sa kanyang privileged speech ang pagkondena sa paglapastangan ng mga artist kay Hesu Kristo na umanoy hindi makataong pagturing ng mga ito sa larawan ng Panginoon.
Si Mideo Cruz ang siyang artist ng nasabing exhibit.
- Latest
- Trending