MANILA, Philippines - Ipinakita ng Philippine Trial Lawyers Association (PTLA) ang kanilang todong pagsuporta sa Buwan ng Wika sa pamamagitan ng pagsusulong na gamitin ang wikang sarili sa mga pagdinig sa korte hindi lamang sa Metro Manila at Bulacan kundi sa buong bansa.
Sinabi ni Atty. Peter Principe, pangulo ng PTLA, hindi lamang dapat sa buwan ng Wika ipapakita ang pagmamahal sa Wikang Filipino kundi sa buong taon.
Nagpasalamat din ang PTLA kay Komisyon ng Wikang Filipino chairman Jose Laderas Santos sa pagsusulong nito sa Korte Suprema na gamitin ang wikang pambansa sa mga pagdinig ng korte upang lubos na maunawaan ng mga akusado ang pinag-uusapan sa korte.
Kaugnay nito, nagkaloob ng mga libro ang KWF sa mga kasapi ng PTLA sa ginanap na regular meeting nito sa New Dynasty restauarant sa Maynila.