P2M donasyon ng Caritas Manila sa biktima ng kalamidad
MANILA, Philippines - Ibinahagi ng Caritas Manila, sangay pang-social service ng Arkideyosesis ng Maynila, ang P2 milyong pisong donasyon para sa kalamidad. Isang milyong piso ang ipinadala sa Japan para sa prefecture ng Fukushima na matatandaang sinalanta ng lindol, tsunami, at radiation mula sa mga nasirang nuclear reactors.
Ang tulong na pera ay idinaan sa Caritas Internationalis, ang inang ahensya ng iba’t-ibang Caritas sa buong mundo. Ang isang milyong piso naman ay ibinigay sa National Secretariat for Social Action na kilala rin bilang Caritas Filipinas sa ilalim ng mga programang relief at rehabilitation nito para ipamahagi sa mga lugar sa loob ng bansa na sinalanta ng kalamidad.
Ginagawa ito ng Caritas Manila sa panahon ng pangangailangan at kapag kaya nating tumulong. At sinisiguro na nakatutulong at nakakakuha ito ng donasyon at pondo upang makapagbigay ng tulong.
Nitong Hulyo 26, 2011, nakumpirma ng Caritas Manila sa Caritas Internationalis at Caritas Filipinas na natanggap na ng mga ito ang ibinahaging tulong ng Caritas Manila.
- Latest
- Trending