^

Bansa

P700 milyong serbisyo inihatid sa 60K benepisyaryo sa Samar

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Sa huling yugto ng Bagong Pilipinas Serbisyo Fair (BPSF) ngayong 2024 ay na­bigyan ng P700-M halaga ng serbisyo at ayuda ang nasa 60,000 benepisyaryo na isang pangunahing inisyatiba ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. na inilunsad noong Nobyembre 22 ay magpapatuloy hanggang sa susunod na araw sa Northwest Samar State University sa Calbayog City, Samar.

Binigyang-diin ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez, ang pangunahing tagapagtaguyod ng BPSF, ang kahalagahan ng programa sa pag-abot sa mga komunidad na hindi nabibigyan ng sapat na serbisyo.

“Ito ang patuloy na­ting tugon sa pagnanais ng ating Pangulong Marcos na ilapit ang serbisyo ng pamahalaan sa ating mga kababayan. Hindi lamang ito programa; ito ay simbolo ng taos-pusong serbisyo at pagkakaisa ng pamahalaan at ng sambayanan,” ayon sa paha­yag ni Speaker Romualdez.

Naglaan din sa event ng P400 milyong cash-assistance, na ipinamahagi sa mga pre-identified beneficiaries sa buong lalawigan.

Kabilang sa mga pa­ngunahing aktibidad ang pamamahagi ng tulong mula sa DSWD at DOLE, na may kabuuang P300 milyon at nakinabang ang higit 20,000 indibidwal.

BAGONG PILIPINAS SERBISYO FAIR

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with