Rep. Iggy kinondena sa pagkampi kay Morato
MANILA, Philippines - ?Kinondena ng Kilusan Kontra Kabulukan at Katiwalian (KKKK) si Negros Occidental Rep. Ignacio “Iggy” Arroyo Jr. na waring kinikilingan si dating Philiipine Charity Sweepstakes Office (PCSO) chairman Manuel Morato nang ilipat ang kasalukuyang tanggapan ng ahensiya sa Philippine International Convention Center (PICC).
Ayon kay KKKK Chairman Dominador Pena, malinaw na ngayon kung sino ang nagpopondo sa mga kaduda-dudang aksiyon o personal na paninira ni Morato laban kay PCSO chairperson Margie Juico lalo nang batikusin ni Rep. Arroyo ang paglipat ng PCSO sa PICC sa pagdinig kamakalawa sa Kamara.
Nagpasya ang pamunuan ng PCSO na ilipat ang tanggapan ng ahensiya matapos ideklara ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na kondenado o mapanganib sa lindol ang dating gusali ng Quezon Institute.
Panahon ni Morato nang lagdaan ang maanomalyang 25-taong kontrata kaya nanggalaiti ito at nagkampanya laban kay Juico at sa asawa nitong si dating Agrarian Reform secretary Philip Juico sabay labas ng kung ano-anong paninira sa media at internet.
- Latest
- Trending