2nd death anniv. ni ex-Pres. Cory gugunitain

MANILA, Philippines - Gugunitain ngayong araw ng pamilya Aquino ang ikalawang anibersaryo ng kamatayan ni dating Pres. Cory Aquino.

Isang misa ang gaganapin sa puntod ng dating pangulo sa Manila Memorial Park sa Parañaque na dadaluhan din ni Pangulong Noynoy ngayong alas-4 ng hapon.

Maaga pa lang ay inumpisahan na ang paglilinis sa puntod at museleo ng pamilya Aquino dahil sa inaasahang pagdagsa ng mga kaanak at kaibigan ng namayapang Pangulo.

Wala naman umanong pasabi ang pamilya Aquino kung magiging eksklusibo lamang sa pamilya at malalapit na mga kaibigan ang gagawing programa o magiging bukas ito sa publiko. Naghihintay pa rin umano sila sa huling pasabi ng pamunuan ng Presidential Security Group (PSG).

Pumanaw si Gng. Cory noong Agosto 1, 2009 sa edad na 76 matapos ang pakikipaglaban sa colon cancer. (Danilo Garcia/Rudy Andal)

Show comments