^

Bansa

Toll sa Skyway tataas

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Tinatapos na ng Skyway Corporation ang pagtukoy sa tamang halaga na itataas sa kanilang toll rate makaraang aprubahan ng Korte Suprema ang paniningil ng 12% value added tax (VAT) sa expressway toll fees.

Sinabi ni Skyway spokesman Ed Nepomuceno na inaasahan na maisusumite nila nga­yong Agosto 1 ang re­bisadong toll rates sa Toll Regulatory Board (TRB) para sa kanilang pagsang-ayon.

Ito’y makaraang ibasura ng Korte Suprema ang apela ni dating Nueva Ecija Rep. Renato Diaz na ibasura ang VAT sa toll fee at pagtibayin ang pagpapatupad nito. Sinabi ng SC na maaaring mas malaki pang gulo ang likhain ng pagbasura sa VAT sa toll fee sa publiko at sa pamahalaan.

Sinabi ni Nepomuceno na maaaring umakyat ang kasalukuyang P106 toll rate sa Class 1 vehicles sa P118 kung maidadagdag ang bagong buwis.

Maaari naman uma­nong mai-round off ito sa pinakamalapit na ha­laga base sa magiging komputasyon nila at ng TRB.          

Nilinaw naman ni Ne­pomuceno na bagama’t hindi sila sumasang-ayon sa desisyon ng Korte Suprema, wala naman umano silang magagawa kundi sumunod dito at maipasa ang buwis sa mga motorista.

AGOSTO

ED NEPOMUCENO

KORTE SUPREMA

NUEVA ECIJA REP

RENATO DIAZ

SINABI

SKYWAY CORPORATION

TOLL

TOLL REGULATORY BOARD

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with