^

Bansa

Guro tutol sa make-up class

- Ni Mer Layson -

MANILA, Philippines - Tutol ang mga guro sa kahilingan ng pamunuan ng Department of Education (DepEd) na magkaroon ng make-up class tuwing weekends sa mga lugar na nasuspinde ng dalawang araw ang klase bunsod ng nagdaang bagyong Juaning sa bansa.

Ayon kay Benjo Basas, national chairman ng Teacher Dignity Coalition (TDC), ang araw ng Sabado ay inilalaan ng mga guro sa ibang gawaing bahay at pampamilya na hindi umano dapat kunin pa sa kanila.

Ikinatuwiran pa ni Basas na wala namang dagdag na suweldo sa mga guro para sa dagdag na araw ng trabaho.

“Hindi kontrolado ninuman ang suspensiyon ng klase kabilang na ang mga guro at hindi kami ang dapat pagdusahin sa implikasyon ng suspensyong ito,” sabi pa ni Basas.

Masyado pa anyang maaga ang panawagan ng DepEd para sa pagkakaroon ng make-up classes tuwing weekends.

AYON

BASAS

BENJO BASAS

DEPARTMENT OF EDUCATION

IKINATUWIRAN

MASYADO

SABADO

TEACHER DIGNITY COALITION

TUTOL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with