^

Bansa

Kamay na bakal vs corruption

- Ni Rudy Andal -

MANILA, Philippines - Nakatuon ang ikalawang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Aquino sa pagpapatupad nito ng makabagong lipunan na may kamay na bakal sa paglaban sa corruption.

Sinabi ni Presidential Communications Strategic Planning and Deve­lopment Office Sec. Ricky Carandang, tatalakayin ng Pangulo sa kanyang ikalawang SONA ngayong hapon ang transformation ng ating lipunan.

Ayon kay Sec. Carandang, ilalahad ng Pangulo ang anti-corruption effort ng gobyerno upang tuluyang mawalis ang mga katiwalian.

Naunang sinabi ni Pre­sidential Spokesman Edwin Lacierda, hindi maiiwasan ng Pangulo na banggitin ang nakaraang administrasyon dahil maraming katiwalian at problema ang nabungkal dito tulad ng natuklasan ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) bukod sa paglantad ngayon ng mga testigo na nais ding magpatunay sa nalalaman nilang anomalya sa fertilizer fund scam gayundin sa sinasabing dayaan noong 2004 at 2007 polls.

Inaasahang ilalahad din ni PNoy ang kanyang magiging programa sa kanyang ikalawang taon sa gobyerno sa kanyang ikalawang SONA ngayong hapon.

AYON

CARANDANG

OFFICE SEC

PANGULO

PANGULONG AQUINO

PHILIPPINE CHARITY SWEEPSTAKES OFFICE

PRESIDENTIAL COMMUNICATIONS STRATEGIC PLANNING AND DEVE

RICKY CARANDANG

SPOKESMAN EDWIN LACIERDA

STATE OF THE NATION ADDRESS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with