^

Bansa

Ilegal na sugal sa Negros pinabubusisi sa DILG

-

MANILA, Philippines - Mariing hiniling ng tatlong Negros Oriental provincial board member kay DILG Secretary Jesse Ro­bredo ang agarang imbestigahan sa kapwa nila ‘bokal’ na umano’y financier at nagpapatakbo ng illegal­ na sugal na “Suertres” sa dalawang distrito ng lalawigan.

Ayon sa 3 ‘Bokal’ na pansamantalang tumangging magpabanggit ng pangalan, tila bulag at bingi ang mga opisyal ng PNP sa lantarang ilegal na pasugalan sa kanilang lalawigan.

“Talamak na ang operasyon ng ‘Suertres’ sa Negros­ at nagbubulag-bulagan na lang ang mga pulis­ sa Visayas dahil sa milyon pisong payola kada-buwan,” ayon sa tatlong Board Member.

Batay sa impormasyon, sa legal na bolahan ng ‘Suertres’ ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) kinukuha ang mga lumalabas na numero araw-araw.

Noon lamang nakaraang linggo, dalawang mayor na ang sumulat na kay Robredo tungkol sa illegal­ na operasyon ng ‘Suertres’.

Nauna rito, ibinulgar ng isang broadcaster sa Dumaguete City ang ‘payola at protection racket’ sa illegal­ bookies milyon kada-buwan na napupunta sa tiwaling mga opisyal ng PNP.

AYON

BATAY

BOARD MEMBER

BOKAL

DUMAGUETE CITY

NEGROS ORIENTAL

PHILIPPINE CHARITY SWEEPSTAKES OFFICE

SECRETARY JESSE RO

SUERTRES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with