Pakulo ni GMA vs PCSO, nabuking
MANILA, Philippines - Isang pakulo ng kampo ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo laban kay Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) Chair Margie Juico ang nabuking kahapon. Ayon sa sources, ang pakulo ay sa pamamagitan ng isang protest rally na gaganapin ngayon sa harap ng PCSO office sa Quezon City. Ang mga binayarang demonstrators ay magdedemand diumano ng pagpapatalsik kay Juico.
Ayon sa sources, ang lider ng pakulo ay isang Evelyn Kilayko, dating head ng “Moms for Gibo Movement” nu’ng na karaang eleksyon. Si Kilayko rin daw ang pinuno ng “Bayan Ko, Mahal Ko Movement,” isa ring political arm ng dating administrasyon nu’ng 2010 eleksyon.
Ayon din sa sources, katakut-takot na hakot ang ginawa ng grupo ni Kilayko sa mga bayarang professional demonstrador. Gaganapin ang rally ngayong tanghali.
Hinihinala din na si dating PCSO Chair Manoling Morato ay isa sa mga organizers ng pakulo. Nu’ng nakaraang Senate hearing, inamin ni Morato na ang TV program niyang Dial M ay ginamit sa pagkakampanya kay Gilbert Teodoro. Kinuwestyon ito ni Sen. Jinggoy Estrada at iba pang senador dahil ang programa ay budget ng PCSO. Si Kilayko ayon sa records, ay regular guest ni Morato sa TV program niya.
Si Morato ay nahaharap pa sa maraming usapin na ang pinakahuli ay ang alegasyon na tumanggap siya ng P785-M mula sa PGMC para ma-renew ang kanilang contract sa online lottery machines. Bukod dito, si Morato ay kinasuhan sa Ombudsman dahil sa anomalous TMA paper deal na inapruban ng PCSO board nu’ng siya ay chairman.
Tinatantsa na ang grupo ni GMA at Morato ay magsasagawa pa ng maraming pakulo upang iligaw ang atensyon ng publiko sa mga hinaharap nilang kaso. Pahayag ng kampo ni Juico: “Wag tayong palinlang. Kailangan vigilant ang publiko. Hanapin natin ang katotohanan at ibigay ang nararapat na hustisya sa mga nagkasala.
Ipagpatuloy natin ang paglilinis ng maraming kalansay na korapsyon sa ating bansa na iniwan ng nakaraang administrasyon. Sa aming parte, mananatili kaming tapat at malinis sa paglilingkod sa mahihirap.”
- Latest
- Trending