31 OFWs pa sinibak sa Saudi
MANILA, Philippines - May 31 pang OFWs ang sinibak umano sa kanilang mga pinapasukang kumpanya bunsod sa umiiral na Saudization o nationalization sa Saudi Arabia.
Sa ulat na tinanggap ng Migrante Middle East, binigyan na ng termination notice ang mga Pinoy nurses na nagtatrabaho sa government at private hospitals sa Jeddah.
Mula sa nasabing bilang, 5 Pinoy nurse na nagtatrabaho sa Saudi Health Ministry at 15 pang OFWs na nagtatrabaho sa Saudi-German Hospital, pawang sa Jeddah ay nakatanggap na ng kanilang termination notices.
Kabilang din sa mga tinanggal sa trabaho ay ang Pinoy engineer na si Edgar Ballentes, 49, ng Mandaluyong City at nagtatrabaho bilang Senior Mechanical engineer sa Riyadh na nakatanggap na ng termination letter noong Hunyo 29 na epektibo noong Hunyo 30.
Kahapon ay inilunsad na ang ‘Sagip Migrante’ na naglalayong magbigay ng tulong sa mga nagigipit na OFWs na na-terminate o natanggal sa trabaho at iba pang problema sa kanilang trabaho at employer.
- Latest
- Trending