^

Bansa

Inakusahang 'financier' ng Kuratong at Alvin Flores gang' pumalag sa NBI

- Ni Mer Layson -

MANILA, Philippines - Mariing pinabulaanan ng isang negosyante, ang alegasyon na ‘fi­nancier’ umano siya ng mga kilabot na robbery holdup groups na Kuratong Baleleng at Alvin Flores Gang.

Sa isang pahayag, sinabi ni Gng. Anita C. Buce, sa pamamagitan ng Chavez Miranda Aseoche Law Office na humahawak sa kaniyang kaso, na ang alegasyon ng National Bureau­ of Investigation (NBI) sa kanilang press statement ay malisyoso at wa­lang basehan.

Aniya, mapanira ang ulat na lumabas sa ilang pahayagan na sinasa­bing mismong si NBI Director Magtanggol Gat­dula ang nagsabi umanong limang taon nang nagtatago si Buce, 63, negosyante at residente ng Pandacan, Manila.

Ayon sa negosyante, hindi siya nagtatago at katunayan ay siya pa ang personal na nagpapalakad ng kanyang mga negosyo at noong isilbi ang warrant of arrest laban sa kanya ay kusang loob siyang sumama sa mga awrtoridad.

Bago umano isinil­bi ng NBI ang mandam­yento de aresto laban sa kanya ay maraming beses siyang nakatanggap ng pagbabanta sa kanyang buhay at ang kanyang anak na babae.

Sinabi ni Buce na ang dalawang kaso ng pagpatay, una kay Carmen de Guzman at kay Gil Manlapaz Sr., na ibinibintang umano sa kanya ay ibinasura na Manila Regional Trial Court at Court of Appeals noong 1989 at 2007.

Pero lingid sa kanyang kaalaman ay muli umanong binuhay ang kanyang kaso at nagpalabas ng warrant of arrest ang korte laban sa kanya para siya ay gipitin.

ALVIN FLORES GANG

ANITA C

BUCE

CHAVEZ MIRANDA ASEOCHE LAW OFFICE

COURT OF APPEALS

DIRECTOR MAGTANGGOL GAT

GIL MANLAPAZ SR.

KURATONG BALELENG

MANILA REGIONAL TRIAL COURT

NATIONAL BUREAU

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with