Hustisya 'di paghihiganti habol ng Palasyo

MANILA, Philippines - Nakiisa ang Palasyo sa pahayag ni Lingayen-Dagupan Archbishop Soc Villegas na hindi dapat ma­bahiran ng paghihiganti ang paghahabol ng hustisya.

Magugunitang si­ na­bi ng arsobispo na magbu­bunga lamang ng pag­kawatak-watak ang political vendetta at lalo lamang magpapalala sa sugat ng lipunan.

Naniniwala din ang arsobispong malapit sa mga Aquino na hindi sapat sa isang lider ang integridad at kailangan din ng direksyon para maia­ngat ang buhay ng mga mamamayan.

Sinabi ni Deputy Pre­sidential Spokesperson Abigail Valte, wala naman silang nakikitang pro­b­lema sa pahayag ni Villegas dahil hustisya rin ang habol nila sa nakaraang administrasyon.

Ayon kay Valte, hindi naman maiiwasan ang mga kaso laban sa nakaraang administrasyon dahil kailangang may managot sa mga katiwalian.

Show comments