^

Bansa

DepEd naglaan ng P300-M sa Mindanao

- Ni Mer Layson -

MANILA, Philippines - Naglaan ang pamunuan ng Department of Education (DepEd) ng kabuuang P300 milyong pondo para tutustusan at bigyan ng magandang edukasyon ang mga kabataan sa Mindanao na tinawag na ‘Madrasah education for Muslim learners’.

Ayon kay Education Secretary Armin Luistro, mismong ang Pangulong Noynoy Aquino ang nag-utos sa kanila na itaas sa P300 milyon ang dating P200-milyon na pondo dahil sa layuning makamit ang kaayusan at kapayapaan sa Lupang Pangako.

Si Undersecretary for Programs and Project Dr. Yolanda Quijano ang naatasang mangangasiwa at tututok sa office of the Madrasah education para sa mga kabataang Muslim.

Nabatid na sina Sec. Luistro at Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) Governor Ansarrudin Alonto-Adiong ay pumirma ng isang kasunduan para sa mas malawak na pagtataguyod sa Arabic Language and Islamic Values­ Education (ALIVE).

Nagpalabas na ang DepEd ng kabuuang P75 milyon para sa orientation at pagsasanay ng mga Muslim na guro.

ARABIC LANGUAGE AND ISLAMIC VALUES

AUTONOMOUS REGION

AYON

DR. YOLANDA QUIJANO

EDUCATION SECRETARY ARMIN LUISTRO

GOVERNOR ANSARRUDIN ALONTO-ADIONG

LUPANG PANGAKO

MUSLIM MINDANAO

PANGULONG NOYNOY AQUINO

SI UNDERSECRETARY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with