^

Bansa

13th month pay sa mga kasambahay itinutulak

- Ni Butch Quejada/Gemma Garcia -

MANILA, Philippines - Upang mas maramdaman ng mga kasambahay ang diwa ng pasko at makatulong sa kanilang pamilya, itinutulak ng isang kongresista sa Kamara ang isang panukalang batas na bigyan ng 13th month pay ang mga kasambahay na naninilbihan sa kanilang mga amo.

Ayon kay ALE party-list Rep. Catalina Cabrera Bagasina, ang House Bill 4753, o mas kikilalanin bilang Kasambahay Christmas Bonus Act of 2010, na isabatas ang pagbibigay ng 13th month pay sa mga kasambahay bago o sa mismong araw ng Dis­yembre 24, kada isang taon.

Sabi ni Bagasina, gusto niyang bigyan ng pantay na trato ang mga maliliit na tao tulad ng kasambahay kaya niya ipinapanukala ang batas na ito at para maramdaman nila na hindi sila pinababayaan ng gobyerno.

“Hanggang sa ngayon hindi sila kasali sa minimum wage law, wala silang overtime pay, medical benefits at service incentive leave,” sabi ni Bagasina.

Ayon pa kay Bagasina kahit na ang benepisyong pagpapamiyembro at pag­huhulog ng kanilang amo ng kontribusyon sa social security benefits ay hindi pa nasusunod ng ilang mga amo.

AYON

BAGASINA

CATALINA CABRERA BAGASINA

HANGGANG

HOUSE BILL

KAMARA

KASAMBAHAY CHRISTMAS BONUS ACT

SABI

UPANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with