GMA sa korte haharap
MANILA, Philippines - Sinabi ni Albay Rep. Edcel Lagman na sa korte lamang puwedeng magsalita si Arroyo tungkol sa mga ibinabato ditong kaso at ang sinasabing dayaan noong 2004 at 2007 elections.
Ayon kay Lagman, kilalang kaalyado ni Arroyo sa Kamara, may karapatan ang mga mambabatas na magsagawa ng imbestigasyon hinggil sa mga anomalyang ibinibintang kina GMA, dating First Gentleman Mike Arroyo at mga galamay nito pero hindi ang Kamara ang tamang lugar para rito. Hindi anya umiiwas sa imbestigasyon si GMA nais lang ng dating pangulo na hindi mahaluan ng pulitika ang imbestigasyon.
Sabi pa ni Lagman, hindi puwedeng pilitin si GMA na magsalita dahil ang mga akusasyong ipinupukol dito ay wala pang kongkretong ebidensiya at puro sa media lamang umano lumalabas. (Butch Quejada/Gemma Garcia)
- Latest
- Trending