^

Bansa

GMA, Mike idiniin sa dayaan sa 2007 Maguindanao polls

-

MANILA, Philippines - Matapos talikuran ang sariling ama at kapatid, idiniin naman ni dating ARMM Gov. Zaldy Ampatuan sina dating pa­ngulo at ngayo’y Rep. Gloria Arroyo at da­ting First Gentleman Mike Arroyo na umano’y nasa likod ng dayaan sa halalan noong 2007 sa Maguindanao.

Sa isang panayam kay Zaldy ng ABS-CBN, ibinunyag nito na puno ng dayaan ang halalan nong 2007. Enero 2007 pa lamang anya ay buo na ang planong lutin ang halalan at ang promotor umano ay ang dating unang ginoo.

Wika ni Zaldy, ang boto umano na ibinawas kina Pangulong Noynoy Aquino, Sen. Panfilo Lacson at Sen. Alan Peter Cayetano na tumatakbo sa pagka-senador noon ay idinagdag umano sa boto ni Sen. Juan Miguel Zubiri.

Alumpihit umano si Arroyo na maipanalo si Zubiri dahil nakakahiya raw mabokya ang manok ng Pangulo. Nagpadala din umano ng dagdag na pera si Arroyo para maareglo ang nangya­ring dayaan.

Agad namang itinanggi ng dating first gentleman ang akusasyon ni Ampatuan. Pinabulaanan din ni Zubiri na may kinalaman siya sa sinasabing dayaan.

ALAN PETER CAYETANO

ALUMPIHIT

FIRST GENTLEMAN MIKE ARROYO

GLORIA ARROYO

JUAN MIGUEL ZUBIRI

PANFILO LACSON

PANGULONG NOYNOY AQUINO

ZALDY

ZALDY AMPATUAN

ZUBIRI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with