MANILA, Philippines - Itutuloy ng Senate blue ribbon committee sa Miyerkoles ang imbestigasyon sa mga donasyon ng PCSO na SUVs sa ilang Obispo.
Ayon kay Sen. Franklin Drilon, nais lamang malaman ng Senado kung ang nasabing donasyon ng PCSO ay napunta sa charity work at hindi para sa personal na pangangailangan ng mga Obispo.
Magugunita na kabilang sa tumanggap ng SUV mula sa PCSO ay si Butuan Bishop Juan de Dios Pueblos na sumulat noong kay Pangulong Arroyo na humihingi ng sasakyan bilang birthday gift sa obispo.
Siniguro ni Drilon na ang ginagawang imbestigasyon ng Senado sa ilang Obispo ay hindi para hiyain ang Simbahang Katoliko.
Tiniyak din ni Drilon na ang mga Obispo na dadalo sa pagdinig ng Senado sa Miyerkoles ukol sa PCSO fund ay makakasiguro na irerespeto ng mga mambabatas ang kanilang mga karapatan.