^

Bansa

SMI dapat magtanim ng mga puno ngayon para matuloy ang operasyon - Rep. Fuentes

- Ni Rudy Andal -

Manila, Philippines - Nanawagan si South Cotabato Rep.  Daisy Fuentes sa proponent ng Tampakan Copper-Gold project na Sagittarius Mines, Inc. (SMI) na magsimula nang magtanim ng mga puno ngayon at maglagay ng mga pasilidad na imbakan ng tubig para matuloy ang kanilang operasyon.

“Nakipag-dialogue ako sa SMI at inobliga ko sila na maglagay ng water impounding units at magsimulang magtanim ng mga puno. Para sa akin ay maaari na silang magsimula sa pagmimina,” wika pa ni Fuentes.

Ang nabagong po­sis­yon ni Fuentes ay resulta ng pakikipag-usap niya sa mga

kinatawan ng Palasyo tungkol sa pagbabawal sa open-pit mining method sa South Cotabato na naipasa noong siya ang punong lalawigan.

Nilinaw ni Fuentes na kung maitatayo ng SMI ang buffer zone ngayon, kapag

nagsimula na ang operasyon ng kompanya ay sapat na ang mga puno para mapigilan ang pagguho ng lupa at pagbaha.

“Sa kaso ng San Mi­guel Energy Corporation (SMEC), naniniwala ako na pumayag ang mga mamamayan ng Lake Sebu sa community assistance plan na nagkakahalagang P30 milyon”, ani Fuentes.

Gagamit din ang SMEC ng open-pit mining method para sa coal mine ng kompanya sa Lake Sebu, South Cotabato.

Ngunit nilinaw ng mam­­babatas na kaila­ngang iprisinta ng SMI ang plano nito sa

South Cotabato provincial board para sa pag-endorso nito.

DAISY FUENTES

ENERGY CORPORATION

FUENTES

GAGAMIT

LAKE SEBU

SAGITTARIUS MINES

SAN MI

SOUTH COTABATO

SOUTH COTABATO REP

TAMPAKAN COPPER-GOLD

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with