^

Bansa

Revenue aangat dahil sa GOCC law

- Ni Angie dela Cruz -

Manila, Philippines - Malaki ang naitulong sa pamahalaan partikular sa pagpapabuti ng serbisyo sa taumbayan sa pagkakapasa sa Government Owned and Controlled Corporation (GOCC ) law.

 Sa  Programang Pilipinas Natin Pre-Sona sa NBN 4 QC, sinabi ni Finance Secretary Cesar Purisima , dahil sa batas na ito mas  higit na napapagtuunan ng pansin ng pamahalaan ang mga  prioridad hinggil sa kung alin ang bibigyan ng pondo ng pamahalaan para mapaunlad, alin ang maaaring mapakinabangan at  alin ang mga lugi na kailangang isama sa bentahan.  

Sa ganitong paraan, naitatama ng pamahalaan ang mga kailangang pagkagastusan at hindi dapat pondohan ng pamahalaan.

Sa ngayon, umabot na sa P6 trilyon ang halaga ng assets ng pamahalaan mula sa dating P1 trilyon la­mang.

Sinabi ni Purisima na ang magandang pagbabagong ito ay nagpapakita lamang ng good governance na nai­patutupad ng pamahalaan para sa sambayanang Pilipino.

Nagpapakita rin anya ito na ang mga Pilipino ay marunong nang magmanage ng kanilang pondo sa pamamagitan ng paglalaan nito sa tamang paraan at tamang pagkakagastusan.

Samantala, sinabi din ni Purisima na dahil sa guma­gandang fiscal situation ng bansa ay hindi malayong  makatipid ang pamahalaang Aquino ng P18 bilyong pondo dulot naman ng pagtaas ng credit ratings ng bansa sanhi ng patuloy na paglago ng ekonomiya ng bansa.  

AQUINO

FINANCE SECRETARY CESAR PURISIMA

GOVERNMENT OWNED AND CONTROLLED CORPORATION

MALAKI

NAGPAPAKITA

PAMAHALAAN

PILIPINO

PROGRAMANG PILIPINAS NATIN PRE-SONA

PURISIMA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with